52

Oct 30, 2017 @ 13:56

Grab at Uber, pinakakabitan ng distress signals

Iminungkahi ni Aangat Tayo Partylist Rep. Neil Abayon na magkaroon ng sikreto at madaling paraan ng distress signals ang mga driver ng Transport Network Vehichle Service (TNVS) gaya ng Grab at Uber.

Ito’y para magamit nilang pang-alerto kapag merong insidente ng carnapping, holdapan at iba pang banta sa kanilang buhay.

Ayon kay Abayon, puwedeng gawing color-coded ang distres signals o gamitin ang red alert para sa carnapping at holdap, blue para sa medical emergencies at orange alert para sa aksidente.

Bahala na aniya ang Transport Network Companies (TNCs) na kung paano magiging operational ang kanilang distress signals.

“TNCs must swiftly implement all these because lives are at stake,” giit ni Abayon.

Ang rekomendasyon ng kongresista ay sa harap na rin nang pagiging target ng mga kriminal sa mga sasakyan ng TNVS.

Una nang napatay ng mga carnapper ang Grab driver na si Gerardo  Maquidato Jr.

Sabi pa ni Abayon, mismong Grab na rin ang nagsabi na anim na sa kanilang drivers ang nabiktima na ng carnappers. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?