9
grab-ltfrb1
By

Grab surge fare pinatatapyasan ng LTFRB

Sharing is caring!

Hiniling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Grab Philippines na bawasan nito ang kanilang surge pricing mula sa 2x, pababa sa 1.5x.

Ang mababang surge pricing ay mananatili hanggang walang magiging kakumpetensiya ang Grab, na binili na ang Uber, sa ride-hailing service.

Nabatid na sa pagdinig sa LTFRB ukol sa Grab-Uber merger, dumipensa ang Grab at sinabi na ang ipinatutupad nilang surge pricing ay bunga ng kakulangan ng driver at madami ang pasahero.

Dagdag pa ng transport network company, bagama’t dadami ang kanilang driver sa pagpasok sa kanila ng Uber, madadagdagan din naman ang kanilang pasahero.

Sa kabila ng kanilang posisyon, sinabi ng Grab na sila ay susunod na sa nais ng LTFRB.

Ngayon ay sinusuri na ng LTFRB ang aplikasyon ng tatlong TNC na nais subukan ang merkado sa bansa.

Ito ay ang Lag-go, OWTO at Hype.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?