1,749

Jan 15, 2022 @ 9:44
By

Grab rider walang panukli, pinag-initan ng kustomer

Kitang-kita sa isang viral video kung paano pagsisigawan at suntukin ng isang kustomer ang isang Grab Rider dahil lang sa wala itong barya na panukli.

Ayon sa video, na pinost ni Mike motovlog PH, ang insidente ay naganap sa Taguig.

Bukod sa pinagsisigawan, kinuwelyuhan din ng kustomer ang rider at ilang ulit na pinagtangkaang saktan.

Bagamat ‘di gaanong kita sa video, sinuntok umano ng lalaki ang rider, ayon sa sinabi ng kumukuha ng video.

Pinagmumura din ito hanggang sa dumami pa ang nakasaksi sa pangyayari.

Umawat naman ang isang lalaki maging ang asawa ng kustomer hanggang sa mahinto na ang nagwawalang lalaki.

Nagkomento naman ang Grab sa naturang video at nangakong iimbestigahan nila ang pangyayari.

“Thank you for bringing this to our attention. Rest assured that this consumer behavior is not tolerated on our platform and investigation is already underway,” saad sa komento ng Grab. (MJD)


‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?