36

Jul 25, 2020 @ 9:38
By

‘Grab rider’ bagong modus ng basag-salamin

Viral sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang motorcycle rider na may dalang container para sa Grab, kung saan nangbiktima ng isang SUV.

Sa kuha sa CCTV, makikita kung papaano nagmanman ang isang lalaki na naka-helmet at nakatakip ang mukha sa isang puting SUV sa kahabaan ng isang kalsada sa Makati City.

Sinilip ng kawatan ang loob ng kotse at nang makahanap ng tiyempo ay tinulak ang salamin ng sasakyan at nakuha ang nasa loob nito.

Nagsalita na ang Grab PH sa nangyaring krimen, at handa silang tumulong para sa imbestigasyon ng mga pulis hingil dito.

Ngunit hindi sigurado ang delivery service company kung rider talaga nila ang nasabing kawatan dahil walang plate number ang motorsiklo at hindi rin nila ito makikilala dahil nakatakip ang mukha.

“We are aware of a video involving a motorcycle rider breaking into a parked car. As the rider’s vehicle did not have a plate and as he was wearing a face cover at the time of the incident, we are unable to confirm the identity of the rider and verify his registration as a Grab delivery-partner at this stage,” ayon sa Grab.

“Grab does not condone such behavior. We stand ready to assist the authorities with their investigations. Should the offender be identified as a Grab partner, we will not hesitate to take appropriate actions to maintain the safety and reliability of our platform,” lahad pa.

Tingin naman ng mga netizen, posibleng ginamit lang ang container ng Grab para hindi paghinalaan sa tuwing gagawa ng krimen.

https://www.facebook.com/watch/?v=612403739443544

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?