grab2
By

Grab refund, hindi dapat kunin sa drivers – Nograles

Sharing is caring!

Hindi umano dapat isangkalan ng Grab ang kanilang mga driver bilang proteksyon sa kanilang obligasyon na i-refund sa pasahero ang mga ilegal na kinolektang pasahe.

Katuwiran ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles, ang desisyon na mangolekta ng P2 per minute extra fee ay ginawa ng Grab management at hindi ng mga driver nito.

Tinaya ni Nograles na aabot sa P3.24 bilyon ang ilegal na kinolekta ng Grab sa mga parokyano nito matapos aminin ang P2 per minute charge sa travel time simula noong Hunyo 2017.

“Since the drivers are unaware of this malicious act, Grab should charge this refund from their own pocket. Grab management ang mastermind niyan eh at wala namang alam diyan ang mga driver,” sabi ni Nograles.

“Ang nakikita natin dito ay merong modus operandi sila. Hindi na nga nila sinusunod ‘yung RA 10667 or law against anti-competition mergers, tapos ‘yung LTFRB pinapaikot-ikot nila, pati na rin Supreme Court case law binabalewala. All these actions are done by a company that eliminated its competition by way of merger. Kung sa basketball pa, binili ang kalaban para maluto ang laro,” dagdag ng kongresista.

Kinontra rin ni Nograles ang katuwiran ng Grab na maaaring magtakda ang Transport Network Companies (TNCs) ng pasahe sa Transport Network Vehicles Services (TNVS) dahil naglabas na aniya ang LTFRB ng specific fare rates.

“As cited by Grab, per DOTr 2015-11, the TNVS fares can be set by the TNCs subject to oversight of the LTFRB. That oversight was exercised by the LTFRB through the approved rates of December 2016 which Grab faithfully followed until they unilaterally added on P2 per minute fare on June 2017 without the consent of the LTFRB,” paliwanag ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?