115
grab-ltfrb3
By

Grab operator na nanigaw kay Nograles, pinaalis ng LTFRB

Sharing is caring!

Pinalayas ng conference room ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang Grab operator matapos sigawan si PBA Partylist Representative Jericho Nograles.

Nabatid na nangyari ang paninigaw kay Nograles bago pa magsimula ang ipinatawag na pagdinig ng LTFRB ukol sa P2 per minute fare charge ng Grab.

Una nang ibinunyag ni Nograles ang dagdag-singil ng transport network company (TNC) kaya’t aniya dapat magpatupad ang Grab ng P1.8 bilyong refund sa katuwiran na ilegal ang paniningil ng sobrang pasahe sa mga pasahero.

Nadiskubre na hindi alam ng LTFRB ang per minute fare charge ng Grab.

Bunga nito, inatasan ang Grab na ipaliwanag at ibunyag ang kanilang kinita ngunit hindi naman ipinatigil ang sinisingil na patong sa pasahe.

Ikinatuwiran naman ng Grab na alam ng LTFRB ang per minute fare charge dahil ang ahensiya pa diumano ang nagpalabas ng memorandum circular ukol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }