grab
By

Grab, inaalipin ang drivers sa incentive system – Nograles

Sharing is caring!

Inakusahan ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles ang Grab Philippines na sapilitang inaalipin ang kanilang driver-partners para sa hindi makataong quota para makakuha ng incentives.

Sabi ni Nograles, habang nagpapakahirap ang mga driver, ang mga executive ng Grab ang nagpapakasasa sa pinaghirapang kita ng mga ito.

Napag-alaman ng kongresista ang sitwasyon ng mga driver-partner nang makaharap ang mga ito sa isang consultation meeting sa Kamara kamakailan.

Lumalabas na mula sa P18,000 na kita kada linggo ay halos nasa P4,000 ang natitira sa mga driver o P655 kada araw para sa minimum na 18 oras na biyahe.

Ang masama pa aniya, sinasamantala ng Grab ang sitwasyon sa pamamagitan ng incentive system kung saan kailangan na magmaneho ng driver ng 18 oras kada araw para kumita.

“Kung walong oras nagmamaneho ang driver para sa Grab, lugi po ang driver at ang Grab lang ang may kita. Worse, Grab is taking advantage of this situation by incentivizing drivers to drive 18 hours per day to turn a profit. That is immoral,” ani Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?