51

Jan 3, 2018 @ 18:18

Grab humirit ng P10-P13 fare hike dahil sa higher excise tax

Balak ng Transport network company na Grab na humirit ng anim hanggang sampung porsiyentong pagtaas, o P10 hanggang P13 pagtaas sa pasahe dahil sa napipintong pagtaas ng excise tax.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, na magiging epektibo sa Enero 1, magpapataw ang gobyerno ng mas mataas na excise tax sa sasakyan at produktong petrolyo.

“We will file a petition with the LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) to request for a fare change,” sabi ni Grab Philippines head Brian Cu sa isang press conference.

“Now, we are still computing the exact impact of that fare change, but we are looking at a fare increase of anywhere between 6% to 10% of current fares,” dagdag pa nito.

Paliwanag ni Cu, gumagastos ang Grab driver na average na P800 hanggang P1,000 sa gasolina kada araw. Bukod pa dito ang gastos sa maitenance at spare parts.

Para may maiuwi ang mga driver, kailangan silang kumita ng P3,200 hanggang P3,600 sa pamasahe.

Kung taas aniya ang excise tax, lalaki din ang daily expenses ng mga driver at makaaapekto sa kanilang buwanang kita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?