40
sherwin-gatchalian1
Mar 27, 2018 @ 19:22
By

Grab, hindi dapat makapang-abuso – Gatchalian

Ipinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi makapang-aabuso ang Grab matapos nitong mabili ang Uber.

Pinagsabihan niyang maging aktibo sa pagbabantay ang Philippine Competition Commission (PCC).

Ayon kay Gatchalian, chairman ng Senate committee on economic affairs, ngayong may monopolya ang Grab, kailangang tiyakin ng gobyerno na hindi mapagsasamantalahan ang commuters.

“In an absence of any competition, the PCC should keep a close eye on any po ssible anti-competitive practices that will take advantage of this situation,” ani Gatchalian.

Ngayong mag-isa na ang Grab, wala nang ibang pagpipilian ang mga commuter liban sa karaniwang taxi.

“The PCC is now our last baston for fair and reasonable conduct in the ride-sharing industry,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?