40
grab-driver
Apr 22, 2018 @ 13:43
By

Grab drivers na isnabero lagot sa LTFRB

Nagbanta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagmumultahin o kaya ay tatanggalan ng prangkisa ang mga isnaberong biyahero ng transport network company na Grab.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni Delgra na marami na silang natatanggap na reklamo ukol sa mga Grab driver na tumatanggi sa pasahero.

Ayon kay Delgra, iimbestigahan nila ang mga reklamo at ipapataw ang kaukulang parusa.

Sa mga susunod na araw, mag-iisyu ang LTFRB ng show cause order kung saan pagpapaliwanagin ang mga inirereklamong driver.

Ayon kay Delgra, kapag napatunayan na tumatanggi sa pasahero, pagmumultahin ng P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang beses at P15,000 sa ikatlong paglabag at tatanggalan na ng prangkisa.

Sa app ng Grab drivers, nakikita ang lugar na pupuntahan ng pasahero. Maari ring kanselahin ng pasahero ang kanilang booking nang walang bayad.

Sa Uber na tumigil na sa operasyon, hindi kita ng driver ang destinasyon at babayaran ng pasahero pero may cancellation fee kapag kinansela ang booking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?