171

By

Grab driver na nag-viral sa libreng sakay, bisita ni Duterte sa Palasyo

Sharing is caring!

Personal na pinapurihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang Grab driver na nah-viral sa social media dahil sa pagtulong at pagpapasakay ng libre sa mga pasaherong stranded sa kalsada.

Nakipagkita si Romualdo Albarca sa Pangulo kahapon sa Malacañang kasama ang pamilya at ipinarating ng Pangulo ang paghanga sa ipinakitang kabaitan nito sa mga estranghero.

Nakarating sa Pangulo ang ipinakitang malasakit ni Albarca sa mga pasaherong nangangailangan ng tulong kaya ito ipinatawag para personal na pasalamatan.

Hangad ni Pangulong Duterte na tularan ng iba pang tsuper ni Albarca na sa halip na pera ang habol sa mga pasahero ay ipakita ang malasakit sa kapwa.

Walang impormasyon kung binigyan ng Pangulo ng pabuya si Albarca matapos ang pagbisita sa Malacañang kahapon.

Pero isang mobile phone ang ibinigay no Special Assistant to the President Bong Go kay Albarca bilang pagkilala sa ipinakita nitong malasakit sa mga natulungang pasahero.(aileen taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?