45

By

Grab driver huli sa Mandaluyong buy-bust

Naaresto ang isang Grab driver sa ikinasang buy-bust operation sa Mandaluyong City noong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Ricardo Alberio, 46, taga-Brgy. Mauway, Mandaluyong City.

Ayon sa inisyal na report, nadakip si Alberio ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Agency sa buy-bust operation sa Brgy. Mauway dakong alas-singko ng madaling-araw.

Si Alberio umano ay bago sa listahan ng user/pusher watchlist ng Mandaluyong City.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Alberio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?