36

Jan 12, 2020 @ 15:37
By

Gozum sinayang ng UP, pinag-aagawan ng ibang koponan

Alsa-balutan na sa University of the Philippines ang dating NCAA MVP na si Will Gozum.

Ito’y matapos niyang ianunsyo na hindi niya siya babalik sa basketball program ng Fighting Maroons at maghahanap na nang bagong paglilipatan.

Dalawang taon ding naglaro si Gozum para sa UP, ngunit naging limitado ang playing time dahil sa pagpasok ng mga pangmalakasang manlalaro tulad nina Kobe Paras, Ricci Rivero, Bright Akhuetie at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liano.

Sa kanyang unang season ay nag-average lang ng 4.2 minutes kada laro si Gozum.

Mas bumaba naman noong sophomore na at tanging anim na minuto at 54 segundo lang ang nilaro sa kabuuan ng season.

Gayunpaman pasalamat ang manlalaro dahil sa suporta ng UP community.

“Thankful ako sobra sa kanila ‘yung support na ginawa nila for me and my family. Sobrang wala pong katulad eh,” saad nito.

Sa ngayon ay wala pang susunod na koponan si Gozum, ngunit ayon sa ilang report ay may interes ang Letran, UST, Saint Benilde, NU at San Beda sa big man.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?