147

Nov 28, 2017 @ 14:41
By

Gown ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere na gawa ng Pinoy designer, trending sa socmed

Natalo man si Rachel Peters, ang kinatawan ng Pinas sa nakaraang Miss Universe 2017 pageant na ginanap sa Las Vegas, Nevada, bumida naman ang isa pang Pinoy sa event.

Maliban kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, nakanakaw ng atensyon at bumida nang husto si Michael Cinco, ang Pinoy designer na based ngayon sa Dubai.

Ang red gown na punung-puno ng Swarovski crystals na suot ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ay nag-iwan ng marka sa kanyang final walk bago nito ibigay ang kanyang korona sa bagong Miss Universe na si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters.

Lumutang ang ganda ni Miss France Iris Mittenaere sa napakaganda at eleganteng gown na ito na gawa ni Michael.

Gaya ng nakaraang taon, bumida rin ang blue gown na gawa ni Michael na suot-suot naman ni Pia sa kanyang final walk.

Matapos ang pageant, nag-trending kaagad ang gown na ito ng Miss Universe 2016 na halos kasabay ng pagwawagi ng Miss Universe 2017.

Mabango ang pangalan ni Michael Cinco sa buong mundo maging sa Internet dahil sa ganda at eleganteng designed gown nito.

Mga Royalty, Heiress, celebrities ang mga kliyente ni Michael ng kanyang mga gown na isinusuot sa enggrandeng kasal at red carpet film festival.

Ang Pinoy nga naman, kahit saang lugar at anumang okasyon o pagkakataon, hindi puwedeng hindi gumawa ng eksena o mapansin. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?