30

May 15, 2020 @ 11:31
By

Gov’t work sa Marinduque suspendido dahil kay ‘Ambo’

Sinuspinde ni Governor Presby Velasco ang operasyon ng lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Marinduque ngayong Biyernes, Mayo 15.

Sabi ni Velasco sa PIA Mimaropa, dulot aniya ito sa pananalasa ng Bagyong Ambo.

Sinailalim ng Pagasa sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Marinduque, at inaasahan ang katamtaman hanggang mabigat na pagbuhos ng ulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?