59

Jun 8, 2018 @ 16:24
By

Gov’t retirees, target mabigyan ng programa sa pagnenegosyo

May aasahan nang pagkakaabalahan at pagkakakitaan ang mga retirado at magreretiro pa lamang na mga empleyado ng gobyerno.

Ito’y kung maisasabatas ang panukala na magbibigay ng economic opportunities gaya ng pagnenegosyo sa mga government employee sa sandaling matapos ang kanilang pagseserbisyo sa pamahalaan.

Bago nag-adjourn ang sesyon ng Kongreso, ipinasa ng mga kongresista ang House Bill 7445.

Layon ng panukala na pangunahing iniakda ni AN-WARAY partylist Rep. Victoria Isabel Noel na magtuluy-tuloy ang innovative at development-oriented government programs at mga proyekto para sa entrepreneurship.

Sa ilalim nito, pinaghahanda ang lahat ng tanggapan at ahensya ng gobyerno ng post-service Government Service Entrepreneurship Development Program (GSEDP) para sa kanilang mga empleyado alinsunod sa itatakdang guidelines ng Civil Service Commission (CSC).

Dito’y tuturuan ang mga empleyado ng technology transfer systems, entrepreneurial education, entrepreneurial networks, financial literacy at bibigyan ng livelihood trainings at seminars.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?