191

Nov 3, 2017 @ 17:49

Gov’t officials may lusot na sa preventive suspension

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang panukalang batas na nagbibigay ng exception sa pagpapataw ng preventive suspension laban sa mga opisyal.

Ito’y matapos amiyendahan ang House Bill 6590 ang Republic Act (RA) 3019 o ang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act”.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez (1st District, Davao del Norte) na siyang pangunahing may-akda ng panukala, ang exception ay applicable sa mga opisyal na hindi na konektado sa opisina kung saan ito nakasuhan.

Ipinaliwang ni Alvarez na ang layunin nang pagpapataw ng preventive suspension ay para hindi maimpluwensyahan ng akusado ang potensyal na mga testigo o madaya ang mga record.

Pero dahil anya sa pagbabago ng sitwasyon ng ilang opisyal ay nawawala na rin ang bantang ito.

Inihalimbawa ng Speaker ang mga opisyal na nalilipat sa ibang tanggapan o nahahalal sa mas mataas na posisyon.

Partikular na inaamyendahan ng nasabing bill ang Section 13 ng RA No. 3019 kung saan isasaad na hindi na ipatutupad ang preventive suspensiyon kapag hindi na konektado ang isang opisyal sa opisina kung saan nagawa ang paglabag.

“SEC. 13. Suspension and Loss of Benefits. – Any incumbent public officer against whom any criminal prosecution under a valid information under this Act or under Title 7, Book II of the Revised Penal Code or for any offense involving fraud upon government or public funds or property whether as a simple or as a complex offense and in whatever stage of execution and mode of participation, is pending in court, shall be suspended from office for a period not exceeding 90 days: Provided, that in case such elected public officer is no longer connected with the office wherein the offense charged was committed, the preventive suspension order shall no longer be implemented.” (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?