12
vargas
By

Gov’t hospitals, pinalalagyan ng libreng gamot

Sharing is caring!

Isinusulong ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na magkaroon ng libreng gamot sa lahat ng ospital ng gobyerno.

Inihain ni Vargas ang House Bill 3753 o ang Free Medicine for the Poor Act, bilang suporta rin sa Libreng Gamot Para sa Masa (Lingap) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ng kongresista na kailangang bigyan ng madaling access sa kinakailangang mga gamot ang mahihirap na pamilya para mapabuti ang kanilang kalusugan at gumaling sa mga sakit.

Binanggit nito ang pag-aaral ng World Health Organization kung saan sinabing sa low income countries gaya ng Pilipinas ay nasa 33 porsiyento lamang ng mura, ligtas at de-kalidad na mga gamot ang meron sa mga ospital ng gobyerno.

“Most of the time, these medicines are unavailable, non-accessible and unaffordable for our poor Kababayans, especially in the provinces,” sabi ni Vargas.

Marami rin aniya sa mga gamot na covered ng PhilHealth ay kadalasang hindi available sa authorized outlets kaya hindi rin nabibili ng mahihirap na pasyente.

“Thus, many low-income patients are either left untreated or faced with high out-of-pocket expenses for medicines,” ayon sa kongresista.

Sa ilalim ng panukala ni Vargas, ang free medicine program ay gagawin sa lahat ng government district hospitals, local health units at barangay health centers sa mga lungsod at munisipalidad na pangangasiwaan ng Department of Health at Department of Social Welfare and Development.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?