14

By

Gov’t hospitals, kapos ng 43,000 kama – JV

Sharing is caring!

Inihayag ni Senador JV Ejercito na kulang na kulang ang kama para sa mga pasyente sa mga government hospital sa mga probinsiya.

Ayon sa senador, na chairman ng Senate committee on health and demography, kapos ng 42,865 ang hospital beds para makamit ang makatuwirang bilang batay sa laki ng populasyon.

Kailangan umanong magkaroon ng 131,250 hospital beds sa lahat ng government hospital, pero 88,394 lamang ang available ngayon o 67 porsiyento lang ang natutugunan.

Dahil dito kaya sa ngayon, 1: 1,120 ang average na ratio ng hospital bed samantalang ang ideal ratio ay 1:800.

Sa ibang lugar gaya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, 1:4000 ang ratio.

Kaugnay nito, sinabi ni Ejercito na isusulong nila ang pagbibigay sa Department of Health ng kailangan nito na P228 bilyon.

Maaari umano itong papondohan ng Kongreso sa loob ng limang taon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?