63

May 9, 2021 @ 12:16
By

Gov’t employee binoga sa kasalan

Patay ang isang empleyado ng munisipyo matapos itong barilin sa isang wedding party nitong Linggo.

Ayon kay Bicol regional police spokesperson Major Ma. Luisa Calubaquib, naganap ang krimen bandang alas-2 ng madaling araw kung saan pinagbabaril si Carlos Comedia Jr.

Si Comedia ay kinilalang empleyado ng General Service Office sa bayan ng Esperanza, Masbate.

Dead on the spot ang biktima, habang hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas sa kasalan.

Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente, at inaalam din ang motibo ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?