Gov’t employee, arestado sa ilegal na droga

Sharing is caring!

Natimbog ang isang provincial government employee sa ikinasang buy-bust operation sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron N. Aquino ang suspek na si Robert Reyes alyas Bobby, nakatalaga sa Budget Division ng provincial government ng Zamboanga Sibugay.

Nasamsam sa operasyon ang siyam na piraso ng heat-seat transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,500.

Nakatakdang kasuhan si Reyes ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?