55

By

Government hotline magkakaroon ng sariling ahensya – Medialdea

Bubuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng sariling opisina na mamamahala sa 8888 government complaint hotline, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

“It will be taken over by an undersecretary na maa-appoint maybe in the next few days,” ayon kay Medialdea sa panayam sa dzMM.

Pokus umano ito ng gobyerno dahil sa pagdagdag ng isang pang linya ng komunikasyon kaya’t makabubuti na magkaroon ito ng sariling ahensya sa pamahalaan.

“Talagang tututukan na ‘yan because dati it was under an office of a director but since magdadagdag kami ng isang sistema na SMS, we decided to create another office to man that and at the same time namo-monitor lahat ‘yung mga complaints na natatanggap at nasasagot to the best of their abilities,” aniya pa.

Nagsimula ang hotline noong 2016 para mabantayan ang mga kurakot na public official kaugnay sa mga maling gawi sa gobyerno.

Matatandaan na binantaan ni Duterte ang PLDT na ipasasara ito kung hindi magbibigay ng dagdag trunkline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?