71

Jan 13, 2022 @ 20:27
By

Gov. Arthur Yap itinanggi pagbibigay sardinas na may pangalan sa biktima ni ‘Odette’

Itinanggi ni Bohol Governor Athur Yap na nagpamigay sila ng sardinas na may pangalan niya bilang relief goods sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.

Ilang residente kasi sa Bohol ang nag-post ng mga larawan ng “Art Yap sardines” na kanilang natanggap bilang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan.

Paglilinaw ni Yap, kailanman ay hindi umano namigay ang provincial government ng mga relief goods na may pangalan niya.

“My answer is simple. We did not distribute cans of sardines with my name on it,” pahayag ni Yap sa Facebook.

Aniya pa na ang “Friends of Art Yap” mula sa Swan Manufacturing Corporation ang nag-donate ng mga sardinas na may mga label ng kanyang pangalan para sa kampanya noong 2019.

Samantala, ayon sa Tosen Foods, Inc., ang mga lata ng kanilang produkto na may markang “from the friends of Arthur Yap” ay hindi nagmula sa kumpanya.

“We are sad to see photos of Swan Sardines branded with ‘From the Friends of Arthur Yap’ trending. These items are counterfeit and do not represent the Swan Sardines Brand. We can confirm that Swan has not manufactured products labeled ‘From the Friends of Arthur Yap.’ These did not come from our qualified facilities. We are actively working with our retailer partners to make sure that only safe, delicious, and original Swan reaches your plates. Please buy from reputable establishments to ensure quality,” opisyal na pahayag ng Tosen Food, Inc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?