836

By

Gordon sa PNP, PDEA: Arestuhin si Acierto!

Hinimok ni Senator Richard Gordon ang Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na arestuhin na ng mga ito si dating anti-drug cop Eduardo Acierto.

Kamakailan ay inakusahan ni Acierto si dating presidential economic adviser Michael Yang na sangkot umano ito sa ilegal na droga.

Sa naganap na radio interview ni Gordon sa DZBB, Linggo (Marso 31) sinabi niyang subject of an arrest order si Acierto simula pa noong nakaraang taon.

Noong Nobyembre 2018 ay bigong dumalo si Acierto sa Senate blue ribbon committee hearings sa P11-billion shabu shipment na natagpuan sa Cavite.

Binanatan din ni Gordon si Acierto dahil hindi ito nagbigay ng ebidensiya upang suportahan ang kaniyang paratang at sa di umano’y pagpapansin nito at pangangalap ng simpatya sa publiko.

Dagdag pa ni Gordon, hindi na kailangang imbitahin si Acierto para sa isa pang Senate hearing maliban na lamang kung magbibigay ito ng panibagong ebidensiya.

“Magsasalita siya, wala namang ebidensya. Huwag nang ipilit sa akin. Hulihin ‘nyo na iyan. General [Oscar] Albayalde, General [Aaron] Aquino, hulihin ‘nyo na iyan,” sad ni Gordon.

Nagtataka rin umano si Gordon sa kung sino ang gumagamit kay Acierto at sino ang nagpapagamit dito.

Matatandaang akusado rin si Acierto sa P11-billion shabu shipment at sa P2.4-billion shipment of shabu na nasamsam sa Manila International Container Port noong Agosto 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?