15

By

Gordon sa LGU: Tiyaking makatao ang pagtrato sa mga bilanggo

Sharing is caring!

Pinagsabihan ni Senador Richard Gordon ang mga local government units na mag ambag sa pagsiguro na makatao ang trato sa mga preso sa mga bilangguan sa kanilang hurisdiksyon,

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng tinukoy na tambay na si Genesis Argoncillo alyas Tisoy sa siksikang kulungan ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, pwedeng maglaan ng pondo ang mga lgu para sa pagpapaayos ng mga jail facility.

Sabi ni Gordon, sa paggalugad ng kaniyang pinamumunuan na Philippine National Red Coss sa mga bilangguan sa buong kapuluan, halos lahat ay siksikan at kulang ng sanitary facilities.

Hindi na umano makatao ang kundisyon ng mga preso.

Nagpaalala si Gordon na signatory ang Pilipinas sa International Covenant on Civil and Political Rights na nag-aatas sa mga bansa na tiyakin na tinatrato nang makatao at may respeto sa kanilang dignidad.

Ayon kay Gordon, maaring ipabawi ang cityhood ng mga syudad kapag hindi inatupag ang pagsasaayos ng kanilang mga bilangguan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?