22
gordon-dengvaxia
By

Gordon report sa Dengvaxia mess one-sided, sablay – Garin

Sharing is caring!

Umalma si dating Health Secretary Janette Garin sa draft Senate blue ribbon committee report kung saan rekomendado na kasuhan siya ng katiwalian pati sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino Jr at dating Budget Secretary Butch Abad nang dahil sa kontrobersya ukol sa bakunang Dengvaxia.

Mariing sinabi ni Garin na ang draft report ay one-sided, tadtad ng maling impormasyon at hindi lahat ng nakasaad ay buong katotohanan.

Naglalaman din lang aniya ng personal opinion ni Senador Richard Gordon, chairman ng Blue Ribbon committee, na noon pa mang una ay mayroon na umanong paghuhusga laban sa kanila dahil naudyukan ng mga grupo na may vested interest at gustong kumontrol sa Department of Health (DOH).

Sa draft report, sinabi ni Gordon na dapat kasuhan sina Aquino, Garin, Abad at iba pang opisyal ng gobyerno dahil umano’y ilegal na ginamit ang savings ng gobyerno at nagmadali sa pagbili at pagpapaturok ng bakuna kontra dengue kahit hindi pa iyon garantisadong ligtas.

Ayon kay Garin, nagmadali sila noon sa DOH na bumili ng bakuna dahil may laganap ang dengue. Iginiit na hindi krimen na magmadali sa pagtugon sa isang krisis pangkalusugan.

“Again, I strongly believe he has been ill-advised and has prejudged all of us even before the start of the hearings,” sabi ni Garin.

Idiniin pa ni Garin na si dating Health Secretary Enrique Ona na kaniyang sinundan sa DOH ang nagdeklara na may epidemya ng dengue at ipinagpatuloy naman ang pagbabakuna ng Dengvaxia ng sumunod sa kanya sa DOH na si dating DOH Secretary Pauline Ubial.

“We in the DOH then acted accordingly to meet the health crisis. It is manifest that the anti-dengue immunization program was important because secretary designate (Paulynn) Ubial continued and even expanded it!” Giit ni Garin.

“The presentation is one-sided and replete with innuendos of expedited government action. Timely and responsive government action is not a violation of the law,” sabi pa rin ni Garin.

Mariin pa nitong sinabi na malinis ang kaniyang kunsensya at handa siyang humarap kung may magsasampa ng kaso sa korte.

Hinihintay nito ang kopya ng committee report para masagot ang mga nilalaman nito sa isang press conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?