206

By

Gordon report sa Dengvaxia, ‘di aaprubahan ng Senado – Trillanes

Sharing is caring!

Tiyak ni Senador Antonio Trillanes IV na hindi aaprubahan ng buong Senado ang draft report ni Senador Richard Gordon sa kontrobersiyal na Dengvaxia.

Sabi ng senador, hindi man lang aniya ito aabot sa botohan dahil magigiba na kapag isinalang sa debate sa plenaryo.

Sa draft report ni Gordon, bilang chairman ng Senate blue ribbon committee, rekuemndadong kasuhan ng katiwalian si dating Pangulong Benigno Aquino III at iba pang umano ay kasabwat nito sa pagmamadali na bumili ng Dengvaxia.

Idiniin ni Trillanes na walang batayan ang konlusyon ni Gordon dahil wala namang nakalap na ebidensya na sinadyang bilhin nina Aquino ang bakuna kahit alam na makasasama iyon sa matuturukan na hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Hindi rin umano krimen ang pakikipagpulong ni Aquino sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng bakuna.

Sinabi ni Trillanes na ang Sanofi ang dapat pakasuhan ni Gordon at ng gobyerno.

Iginiit nitong guilty sa mental dishonesty ang Sanofi dahil hindi ipinagtapat sa gobyerno ang lahat ng impormasyon noong binili rito ang bakuna.

Taong 2016 noong bilhin ang bakuna at iturok sa 830,000, halos lahat ay mga bata pero Nobyembre 2017 lang ipinagtapat ng Sanofi na maaaring makasama ang bakuna kapag itinurok sa hindi pa nagkaka-dengue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?