49

Sep 8, 2021 @ 12:29
By

Gordon puro porma lang! – Duterte

Binanatan na naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Dick Gordon dahil sa patuloy na imbestigasyon sa pagbili ng medical supplies ng gobyerno para sa COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na puro porma lang ang senador sa kanyang panggigisa sa mga ipinapatawag sa Senado pero mismo siya ay hindi kayang pigilan ang pag-atake ng COVID-19.

“Nagpoporma-porma lang ito, alam mo sa totoo lang wala rin talaga silang magawa. Ni laway nila hindi makapigil ng COVID,” anang Pangulo.

Hindi aniya lilitaw ang katotohanan sa ginagawang imbestigasyon dahil hindi naman pinapatapos ni Gordon sa pagsasalita ang mga ipinapatawag sa kanyang komite.

Malinaw aniya na namumulitika lamang ang senador kaya pati ang ginagawang pagtugon sa COVID -19 ay hindi pinalampas.

“Itong sa Blue Ribbon Committee, sa totoo lang, yang ginagawa ngayon ninyo ngayon sa administrasyon is really politicking. I don’t know, maybe we just achieved so much that the fight can no longer be done based on the merits. Baka wala na silang ma-display na magawa nila kaya naghanap na lang ng ikagagalit ng tao, at sa akin,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?