104

Nov 8, 2017 @ 13:28
By

Trillanes kinasuhan ng plunder si Gordon sa Ombudsman

Nagsahain na kanina sa Office of the Ombudsman si Senador Antonio Trillanes IV ng kasong criminal at administratibo laban sa kapwa niyang senador na si Richard Gordon.

Inihain ni Trillanes ang kasong plunder, culpable violation of the Constitution, violations of the code of conduct and ethical standards for government officials, at malversation of public funds laban kay Gordon.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Trillanes na inilagak ni Gordon ang public funds sa Philippine National Recros (PRC) noong unang terminot nilang senador.

Sabi ni Trillanes, ginamit ni Gordon ang PRC, kung saan siya ang chair ng Board of Governors, para sa kanyang personal na interes.

Sa 24 pahinang dokumento, sinabi ni Trillanes na naglagak si Gordon ng P193 milyon ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa Red Cross mula 2004 hanggang 2011.

Dagdag pa nito, naglagay din si Gordon ng P200 milyon PDAF funds sa Red Cross sa tulong ni dating Red Cross Secretary General Gwendolyn Pang.

Bukod pa diyan, sinabi din ni Trillanes na ginamit diumano ni Gordon ang pondo ng Red Cross para pondohan ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo noong 2010 at senatorial bid nito noong 2013.

Sa isang statement noong Martes, tinawag ni Gordon na “lies” at “figment of his imagination” ang alegasyon ni Trillanes.

“I will never think of using funds of the Red Cross for personal use. I’ve been a volunteer there for 50 years, and I have been doing nothing but improving the life of our people…This is another case of fake news against the reality of humanitarian work,” sabi ni Gordon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?