29

Jun 9, 2020 @ 19:17
By

Gordon kinalampag ang gobyerno: Mag-mass testing na!

Nanawagan si Senador Richard Gordon sa gobyerno na magtakda ng malinaw na polisiya sa pagkontrol ng coronavirus disease (COVID-19) kasabay ng paggiit na kailangang magkaroon ng mass testing para sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ginawa ni Gordon ang panawagan sa gitna na patuloy pa ring pagtaas ng bilang ng nagpositibong kaso sapul nang iulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng COVID-19 apat na buwan na ang nakakaraan.

“I have consistently declared that the best way to fight the virus is to unmask it, to expose the virus as it hides in our people,” pahayag ni Gordon, chair ng Philippine Red Cross (PRC).

“Exposing the virus means testing the population to find out those who are positive, isolate them, do contact tracing, provide medical treatment and take care of the other family members,” dagdag pa nito.

Batay umano sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), dapat 13 porsiyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas o 1.6 milyong indibiduwal ang dapat isailalim sa COVID-19 test.

Bilang suporta ng PRC sa target na ito, nag-invest ang institusyon sa test facility na ngayon ay may kapasidad na 12,000 test kada araw.

Sabi ni Gordon, kapag nagsimula nang mag-operate ang iba pa nilang molecular laboratories, madadagdagan ang kanilang testing capacity ng 22,000 bawat araw.

Simula noong Abril, umanot na ang na-test ng PRC sa 90,000, subalit 25 porsiyento lang nito ay para sa Metro Manila.

“This is not good for our country. The government should make up its mind on this matter and the DOH and PhilHealth must get their act together on testing everybody,” sabi ni Gordon.

“It seems deplorable that a very minor percentage of the Metro Manila population has been tested. At the same time, the number of people getting infected and worse, succumbing to the virus, keep increasing,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?