1,971
ABANTE Gordon Noynoy dengvaxia
Jan 28, 2018 @ 14:59

Gordon kay Noynoy: Mag-sorry ka sa Dengvaxia controversy

Pinahihingi ni Senador Richard Gordon ng tawad sa taumbayan si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ito ay para sa pagmamadali na magpaturok sa mga bata ng bakuna laban sa dengue na Dengvaxia kahit hindi pa iyon garantisadong ligtas.

Ayon kay Gordon, dapat akuin ni Aquino ang responsibilidad at huwag itong maghugas-kamay gaya ng aniya ay ginagawa ng dating pangulo kaugnay ng Mamasapano tragedy.

“At the very least ngayon pa lang mag-apologize na siya,” diin ni Gordon.

Pinatutularan nya si dating US President Jimmy Carter na humingi ng paumanhin sa 1979 hostage crisis sa Iran kung saan marami ang namatay sa iniutos niyang rescue mission para sa mga binihag sa US Embassy sa Tehran.

Gayahin din aniya si dating British Prime Minister Winston Churchill na humingi rin ng tawad para sa Galipolli campaigns.

Pero humingi man ng tawad, dapat pa rin aniyang managot sa batas ni Aquino dahil nakipagpulong sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur.

“Kahit mag-apologize, that will not exculpate him. Unethical yung makipagmeet, dalawang beses (Sa Sanofi). Dalawang beses ang meeting, sa APEC meeting sa China at sa Climate Change Summmit sa Paris, France,” ani Gordon.

Dalawang beses pa aniyang nakipagkita si Aquino sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur na manufacturer ng bakuna.

Dahil sa bakunang ito, hinihinalang may mga batang namatay at nagkasakit dahil sa Dengvaxia habang hindi naman mapakali ang mga magulang ng higit 800,000 nabakunahan. Isaac Mendez

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?