186

By

Gordon kay Lapeña: Mga tao mo sa Customs incompetent!

Nagpatama si Senador Richard Gordon sa mga Bureau of Customs (BOC) official na nalusutan ng P6.4-B shabu sa screening ng ahensya.

Sa pangatlong pagdinig sa Senado, minungkahi ni Gordon na sibakin na ang mga tauhan ni Lapeña dahil ‘di nahirapan sa pagsagot kung paanong nasalisihan ang kanilang mga x-ray machine ng magnetic lifter na diumanoy puno ng shabu.

“Incompetent ang mga tao mo, palitan mo ‘yan. Mapapahamak ka” pakli ni Gordon ng tanungin ng media kung ano ang naging mensahe para sa BOC chief.

Ayon pa kay Gordon, pumayag na umano si Lapeña na sibakin ang ilang opisyales sa ahensya.

Nang matanong kung sino-sino ang maaaring mawala sa puwesto, sinabi ni Gordon na may kaugnay ang mga ito sa x-ray.

Ang mga ito ay hinihinalang sina X-ray chief Zsae de Guzman, at operators Manuel Noli Martinez at John Mar Morales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?