22

Aug 28, 2021 @ 9:19

Gordon kay Duterte: Konting respeto sa Senado!

Iginiit ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon sa pagdinig sa senado kay Pangulong Rodrigo Duterte na konting respeto naman sa Senado matapos na banggitin ng pangulo na pumopostura lang ang mga mambabatas sa kanilang mga pagdinig at wala rin naman naibibigay na rekomendasyon na magreresulta sa pagpapapakulong ng mga opisyal ng gobyerno.
Inisa-isa ni Gordon ang mga naging resulta ng pagdinig ng Senado na nagkaroon nang maayos na resulta na naagapan ang katiwalian tulad ng anomalya sa Philhealth, kontrobersyal na drug smuggling sa Bureau of Customs at iba pa.
Aniya, dapat na respetuhin ng pangulo ang co-equal branches of government.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?