383

By

Gordon kay Aguirre: Habulin sina Espinosa, Lim

Sharing is caring!

Hinamon ni Senador Richard Gordon si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na patunayan ang pagtalima sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.

Ito ay sa pagsusulong ng mga kasong kriminal laban sa mga itinurong drug lord na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim.

Ayon kay Gordon, hindi dapat pumayag si Aguirre sa pagbasura ng mga abogado ng DOJ sa drug cases laban kina Espinosa, Lim at iba pang drug lord.

Ang desisyon ng panel of prosecutors ay isusumite pa umano sa pagrepaso ni Aguirre.

“Magpakatototo ka. Unang una, importante ang kasong ito lalo na ang policy ng pangulo natin labanan ang droga,” hamon ni Gordon kay Aguirre.

“Gamitin mo pagka abogado mo para mai-file ang kaso na dapat mong i-file,” pahayag pa Gordon para kay Aguirre.

Sa tingin naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, dahil naging kalihim siya ng DOJ, tiyak na alam ni Aguirre ang pagbasura ng kaso laban kina Espinosa at Lim.

Ang dapat aniyang abangan ay ang magiging pasya ni Pangulong Duterte dahil dadaan iyon sa kaniyang pagrepaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?