gordon
By

Gordon: Hindi ko papatulan ang kumag na si Trillanes!

Sharing is caring!

Tumanggi si Senador Richard Gordon na makipagsagutan kay Senador Antonio Trillanes na bumanat sa inilabas niyang draft Blue Ribbon committee report ukol sa Dengvaxia fiasco.

Sinabi ni Gordon na hindi na lamang niya papatulan si Trillanes na tinawag niyang “kumag.”

“Hindi ko na papatulan ang kumag na ‘yan,” pahayag ni Gordon sa panayam ng DZMM.

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC), sinabi ni Trillanes na publicity stunt lang ni Gordon ang draft report ukol sa Dengvaxia kung saan pinakakasuhan si dating Pangulong Benigno Aquino III ng katiwalian.

Ayon kay Trillanes, walang ginawang krimen si Aquino.

Mariing sinabi ni Gordon na hindi na dapat pinakikinggan si Trillanes.

Inungkat na dalawang beses na ginulo ni Trillanes ang bansa dahil sa pagtatangkang magkudeta noong sundalo pa ito.

Dapat aniya ay nakakulong si Trillanes bilang parusa sa halip na inihalal itong senador.

Sina Gordon at Trillanes ay nagsampa laban sa isa’t isa ng ethics complaint.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?