503

Sep 21, 2021 @ 14:15
By

Gordon hinamon ng one-on-one ni Duterte

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Gordon na mag-one-on-one at maglaban na lamang sa isang puwesto kahit barangay captain.

Ito ay sa dahilang hindi umano tinatantanan ng Senador ang pag-iimbestiga sa ehekutibo sa kagustuhang sirain ang administrasyon.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na malinaw na gusto siyang sirain ni Gordon pati na ang kanyang administrasyon at guluhin ang ginagawa ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“Ito talaga ang gusto mo Dick, sirain ang pangalan ko at ang aking administrasyon at guluhin ang COVID response ng gobyerno dahil malapit na ang…ewan ko kung ano ang gusto mong takbuhan. Gusto ko nga mag-one-on- one sana tayo kung may position lang, maski barangay captain na lang sa inyo,” anang Pangulo.

Malinaw naman aniya ang intensiyon ng Senador sa kanyang ginagawang imbestigasyon na namumulitika ito dahil walang mapiga sa unang akusasyon matapos magsalita ang Commission on Audit (COA) na walang nawaldas at naibulsang pera mula sa COVID fund.

“Ngayon nilalagari mo talaga kung anong gusto mong makita. It appears now that you are grinding something that is clearly politics,” dagdag ng Pangulo.

Mistulang nilecturan ni Pangulong Duterte ang Senador at kung totoong abugado ito ay dapat i-review nito ang procedural law.

“Are you really a lawyer? Dick ypu should review your procedural law because if you do know the law, you should just have stopped and elevated to the courts.,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?