35

Sep 2, 2020 @ 16:04
By

Gordon: De Lima very bitter!

Mariing pinabulaanan ni Senate blue ribbon committee chair Richard Gordon ang alegasyon ni Senador Leila De Lima na ‘cover-up’ at ‘damage control’ lang ang kanyang nilabas na report para pagtakpan ang mga tao ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaakusahang sangkot sa korapsiyon sa PhilHealth.

“What can I expect from Senator De Lima? She’s very bitter. That’s her right, that’s her privilege and I’ll let it go by that,” pahayag ni Gordon sa panayam sa ANC.

Paglilinaw ni Gordon matagal na niyang hindi nakikita ang Pangulo Duterte at wala siyang hinihinging pabor dito.

“Wala naman akong hinihingi kay President Duterte. I haven’t seen him for the last two or three years,” sabi ni Gordon.

Sa report ni Gordon sa pagdinig ng kanyang komite sa PhilHealth noong 2019, inirekoemnda nitong sampahan ng kasong kriminal sina dating Secretary Janette Garin, datingBudget Secretary Butch Abad, at dating PhilHealth Alex Padilla dahil sa paglipat diumano ng P1.6 bilyon pondo ng ahensiya.

Itinanggi ng tatlong dating opisyal ang alegasyong ito.

Nauna rito, sinabi ni De Lima na malayo sa katotohanan ang ginawang finding ni Gordon at binansagang “Senate version of whataboutism.”

“The Executive Summary released to the press does not appear to be an output of a Committee who conducted a legislative inquiry; it reads like a cover-up and damage control for Mr. Duterte and his men in PhilHealth,” sabi ni De Lima sa isang statement.

Iginiit din ni Gordon na hindi siya lackey o tagasunod ni Duterte.

“Marami siyang posisyon na ayoko, ayoko ‘yung mga statements niya na may kasamang [mura], na tinitira ang Simbahan,” sabi ni Gordon sa naturang interbyu.

Umaasa naman si Gordon na susuportahan din ng mga kapwa niya senador ang Senate blue ribbon committee report sa PhilHealth.

“I hope so. I trust our senators but sometimes. Diyan makikita kung sino ang tunay na lalaki at kung sino ang tunay na para sa bayan. Basta ako I go by that. Maniwala kayo o hindi, that I stand on,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?