67

Dec 26, 2019 @ 17:59
By

Gorayeb madada, nakakalakad na

Magandang balita ang ibinahagi ni athlete-host Gretchen Ho sa araw ng Pasko.

Sa kanyang social media account, idinetalye ni Ho na masigla na muli si veteran volleyball coach Roger Gorayeb matapos ma-diagnosed na may Multiple Myeloma noong mga nakaraang buwan.

“Madaldal na ulit si coach. Nakakatayo na rin siya at nakakalakad na!” caption ni Ho na nag-post rin ng kanilang larawan na magkasama.

“Coach Roger Gorayeb finished his dialysis last Mon. His kidneys are doing well. Chemo na lang daw po para sa Multiple Myeloma. Pls keep praying for him for renewed strength & health.”

“Binuhay niya ako for a reason”.. Kung ano man purpose ni Lord para sa second life mo, malalaman natin coach! For now, ang saya saya ko #AllForCoachRoger.”

Matatandaan na nagkaroon rin ng fundraising event para kay coach Gorayeb na dinaluhan ng mga sikat na atleta at ilang mga music artist sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?