36

By

Gorayeb kumapit sa beterano ng Baste

Sharing is caring!

Kinapitan ni head coach Roger Gorayeb ang kanyang mga beteranong players upang masikwat ang unang panalo ng San Sebastian sa simula ng 93rd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center, San Juan City.

Winalis ng kulang sa sandatang Lady Stags sa tatlong sets ang Emilio Aguinaldo College, 25-16, 25-19, 25-16 matapos magdeliver sina Joyce Sta. Rita, Nikka Dalisay, Dangie Encarnacion, setter Vira Guillema at libero Alyssa Eroa.

Siyam lang ang players ng SSC na maglalaro ngayong season pero kompiynsa si Gorayeb na bibigyan ng kanyang mga bataan ng magandang laban ang kanilang makakaharap.

Nagtala ng tig 13 puntos sina Dalisay, Encarnacion, Sta. Rita at Daurene Santos habang si Guillema ay nagrehistro ng 28 excellent sets.

Sinamantala ng Lady Stags ang matamlay na reception ng Lady Generals.

“Hindi sila maka-receive ng maayos kaya ‘yun ang naging advantage namin.” saad ni Gorayeb. “Halos walang palitan ito,”

Tumikada sina Ladeisheen Magnabua at Jaylene Lumbo ng tig-anim na puntos para sa Lady Generals.

Samantala, sinagasaan ng Generals ang Stags, 25-14, 26-24, 25-21 sa men’s division habang kinaldag ng Brigadiers ang Staglets, 21-25, 25-20, 25-22, 21-25, 15-12, sa juniors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?