80

Jan 3, 2018 @ 17:08
By

Gorayeb, Baste babalikwas

Masusubok agad ang husay ng beteranong coach na si Roger Gorayeb at ang kanyang San Sebastian College Recoletos, may pinakamaraming titulong napanalunan sa pinakamatandang torneo ng mga eskuwelahan sa bansa, kahit kapos sa manlalaro alas-12:00 ng tanghali ng Huwebes laban sa Emilio Aguinaldo College.

Sisimulan din ng Arellano University ang hangad na ikalawang sunod na titulo sa pagsagupa sa Mapua University sa ala-1:30 ng hapon sa siklab ng 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament sa The Arena, San Juan City.

Una munang magsasagupa sa nakatakdang kabuuang limang laro sa boys division ang SSCR at EAC sa alas-otso ng umaga kasunod ang men’s side match ng Golden Stags at Generals sa alas-9:30 ng umaga.

Ilalatag ang tradisyunal na opening ceremony sa alas-11:00 ng umaga bago sundan ng paghaharap ng nakaraang taon na losing finalist na Lady Stags na ipapadala lamang ang siyam na manlalaro kontra Lady Generals.

Pinakahuling magtutuos sa men’s ang Chiefs at Cardinals sa alas-tres ng hapon.

Muling pamumunuan nina Regine Anne Arocha, Necole Ebuen, Andrea Marzan at Jovielyn Grace Prado ang Lady Chiefs na winalis sa tatlong matira-matibay na laro ang Lady Stags kahit na nagdadalamhati ang coach dahil sa pagkamatay ng asawa, upang iuwi ang ikalawa nitong titulo sa torneo.

Pilit namang kalilimutan ng Lady Stags ang dalawang masaklap na magkasunod na taon kahit na siyam na manlalaro lamang ang ipaparada nito sa pagtrangka nina Alyssa Eroa, Vira May Guillema, Joyce Sta. Rita at Dangie Encarnacion.

Inaasahan ni Gorayeb na makakabalik naman si Julie Ann Tiangco, na aako sa malaking responsibilidad ng koponan subalit nagtamo ng injury sa tuhod.

“Half of my players from last year are gone. Now I just have to make the most out of the remaining players and hope for the best,” sabi ni Gorayeb. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?