94

By

Goodbye sako: Bigas isisilid na sa plastic bag – Piñol

Sharing is caring!

Hindi na sako kundi plastic bag na ang pagsisidlan ng ibebentang bigas sa kalagitnaan ng 2019.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Pińol, mas makikita ng mamimili ang hitsura at klase ng bigas kapag nakasilid sa clear plastic bag.

Bahagi umano ito ng reporma ng Department of Agriculture (DA) sa industriya ng bigas.

Tiniyak naman na hindi ito makasisira sa kalikasan.

Idiniin na mayroon nang biodegradable plastic bags.

Hindi rin naman aniya naiiwasang gumamit ng plastic bags.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?