71

Jul 23, 2021 @ 18:37
By

Goodbye Duterte – Bayan Muna

“Goodbye Duterte” ang magiging tema ng protesta ng Bayan Muna sa huling araw ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.

Ayon kay Bayan Muna spokesman Teddy Casiño, wala sa posisyon ang Quezon City Police District para pigilan silang isigaw ang hinaing sa araw ng SONA.

Sinabi rin niya sa “Balitaan at Kumustahan” nitong July 23 na nais nilang siguraduhin na ito na ang kahuli-hulihang SONA ni Pangulong Duterte dahil sa umano’y palpak at pagpapa-tuta sa dayuhang bansa.

Kaya’t panawagan niya sa mga mamamayang Pilipino, wakasan na ang rehimeng Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?