126

Sep 18, 2021 @ 17:18
By

Goodbye bakasyon: Aubrey Miles nag “packing time”

Matapos ang ilang araw na bakasyon kasama si Troy Montero ay panahon na para sa ‘packing time’ ni Aubrey Miles.

Nagliwaliw sa The Farm at San Benito sina Aubrey kasabay ng ika-18 anibersaryo nila ni Troy.

Bago ang packing time, nagpaliyab muna si Aubrey sa Instagram suot ang white bikini sa patakam na mirror shot.

“Packing time,” saad sa caption ni Aubrey. “Not ready to leave yet but excited to see the kids and my plants.”

Bukod sa malulusog na ‘melon’ ay litaw na litaw rin ang matitigas na abs ng sexy actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?