2,068

Jan 10, 2022 @ 19:20
By

Good samaritan pala! Kawanggawa ni ‘Mang Boy’ nagsulputan sa social media

Kalat ngayon sa social media ang mga pagtulong sa kapwa ng viral na si “Mang Boy”.

Sabi ng nag-post sa Facebook na si Ferl Geronimo, bakit hindi ang pagtulong at pagmamahal ni “Mang Boy” sa mga kapitbahay ang nag-viral.

Matatandaang naging laman ng balita ang retiradong pulis na si “Mang Boy” o retired SPO3 Juanito Lazaro sa tunay na buhay matapos niyang tagain ang speaker ng nag-iinuman sa kanilang lugar.

Nakarating na ang isyu nila sa “Raffy Tulfo in Action” at sinusubukang pag-ayusin ang dalawang panig.

Kaya naman ilang nakakakilala sa pagkakawanggawa ng retired police ang rumescue sa kanya.

“Bakit Hindi Ito ang Naging Viral?. Di na Nakuhanan ng mga video, picture yung iba mo pang Ginagawang pag kakawang gawa noon Mang Boy,” saad ni Geronimo.

“Grabe Pag mamahal Mo sa Mga Kapit Bahay mo Alam na alam nila yan Imbes na Mag celebrate ka tuwing Birthday mo kumukuha ka ng barbero para may pa libreng gupit sa ka lugar mo may pa tsinelas ka pa. Dahil ayaw na ayaw niyo ng may mga naka paa.

“Itong nag daang Pandemic imbes na isave niyo yung pera niyo ginagawa niyong mag asawa namimili para lamang may ma.ipamahagi sa mga kapit bahay. Yan Pala yung Pinag tatawanan, ginawan ng Memes may mga Parody Pa,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?