57

Feb 26, 2020 @ 11:48
By

Good samaritan! Alden binisita ang maysakit na fan

Tinupad ni Alden Richards ang huling hiling ng kanyang batang fan na nilalabanan ang brain tumor.

Pebrero 2 nanawagan sa publiko ang tatay na si Bernard Nipales.

“Pwede mo ba kong tulungan iparating ang huling hiling ng aking anak na si “Chuchay” na marinig nya ang boses na nagpapakilig sa kanya na si Alden? Kahit sa huling tibok at hininga ng aking anak na makita at marinig man lang ni “Chuchay” ang boses ni “Alden”. At baka sa huling boses ni “Alden” kiligin ulit si Chuchay,” daing ni Bernard kalakip ang video ng anak na kinikilig tuwing kanyang babanggitin ang ngalan ng Pambansang Bae.

Matapos ang 19 araw, kinamusta ni Alden si Chuchay.

Kwento ni Bernard, bago gisingin si Chuchay ay isa-isa ring kinamusta ng aktor at binigyan ng regalo ang mga pasyente sa dalawang ward sa ospital.

“Nasa 100plus ang pasyente nun at hindi sya naging maarte sa paghawak sa mga kamay ng pasyente dahil wala naman sakit na nakakahawa sa kanila.. Karamihan sa my mga sakit sa hospital ay may brain tumor..pero kahit isang pandidiri sa mga pasyente ay di nya ginawa dahil nakikita sa kanyang panglabas na anyo ang isang taong matulungin at super humble,” lahad ni Nipales sa Facebook, Pebrero 21.

“Sya na din ang nangungulit sa mga pasyente na magpapicture dahil nahihiya ang lahat ng mga tao sa kanya … Wala syang kasama kundi ang mga assistant nya na may mabubuting puso. good samaritan ang tulad ni alden richard,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?