24

Aug 14, 2021 @ 18:36
By

Good news! Rollback asahan ngayong linggo

Nakatakda umanong magtapyas ng presyo ang mga kompanya ng langis sa Agosto 17.

Ayon sa mga taga-industriya, naglalaro mula P0.25 hanggang P0.35 kada litro ang maaaring ibaba sa presyo ng gasolina.

Mula P0.40 hanggang P0.50 kada litro naman ang itatapyas sa presyo ng diesel sa kerosene.

Ang naturang rollback ay dulot umano ng paghina ng demand at pagbaba ng presyo sa world market bunsod ng pagkalat ng Delta variant sa maraming parte ng mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,