66
deped
By

‘Good manners, right conduct’ lessons, palalakasin – DepEd

Sharing is caring!

Nakikita na ni Education Secretary Leonor Briones ang pangangailangan na suriin ang mga itinuturo sa pre-school hanggang senior high school sa bansa.

Aniya napapanuhan nang pag aralan ang curricula sa lahat ng antas ng K-12 Program para malaman kung ang mga ito ay naayon sa panahon.

Inihalimbawa ni Briones ang mga leksyon sa Kindergarten hanggang Grade 2, dapat na aniya palakasin ang pagtuturo sa pagbasa at numero sa mga mag-aaral.

Ngunit ayon sa kalihim higit pa rito ay dapat ay mas nagagabayan din ang mga bata at kabataan sa tamang pag-uugali o ang pagtuturo ng ‘good manners and right conduct o GMRC.

Aniya ito ang pinakailangan ngayon dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon.

Giit nito kailangan ang mga mamamayan ay may paggalang at disiplinado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?