190

Jul 22, 2021 @ 16:45
By

Good luck na lang sa laban! Malacañang ayaw na patulan si Pacquiao

Hindi natinag ang Malacañang sa banta ni senador Manny Pacquiao na magpapasabog ito ng atom bomb pagbalik sa Pilipinas kaugnay sa mga isiniwalat na umano’y katiwalian sa gobyerno.

Mga video at audio recording umano ang ilalabas sa publiko ng senador na magpapayanig at magpapatunay kung gaano katalamak ang korapsiyon sa kasalukuyang administrasyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na malayang gawin ni Pacquiao ang nais nitong gawin pagbalik sa Pilipinas dahil hindi naman ipinagbawal sa batas ang mag-ingay.

“Well, pabayaan po natin si Senator Pacquiao kung ano ang gusto niyang isiwalat . It’s a free country,” ani Roque.

Dahil nalalapit na ang laban sa boxing ng people’s champ, sinabi ni Roque na kaisa ang Malacañang sa mga naghahangad ng tagumpay nito sa nakatakdang laban kay Errol Spence Jr. sa August 21.

” Sa ngayon po kaisa nila kami, kaisa niya ang buong sambayanang Pilipino in wishing him good luck sa padating na laban niya,” dagdag ni Roque.

Matatandaang minaliit lamang ng tagapagsalita ng Malacañang ang mga pasabog ni Pacquiao na tinawag nitong ‘watusi’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?