8

Oct 21, 2020 @ 21:08
By

Gonzales, Niervaez, Redima panauhin sa ‘Usapang Sports’

SENTRO ng talakayan para sa ika-17th “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom Huwebes ang mga sports na basketball, rowing at lawn bowls.

Eeksena sa 10am public service program kasama ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB) si Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) president Louie Gonzales.

Hindi rin papahuli sa weekly forum na mapapanood sa Facebook sina Southeast Asian Games rowing gold medalist Cris Niervarez, national rowing coach Edgardo Maerina at Philippine Lawn Bowls Association officer-in-charge Ronalyn Redima.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiisa sa sports forum na pangangasiwaan ni sportscaster at courtside reporter Phaister.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?