26
Gonzales bumida, FEU sinuwag ang Trinity
By ,

Gonzales bumida, FEU sinuwag ang Trinity

Tinuldukan na ng Cha Dao-FEU Tamaraws ang kanilang two-game losing skid matapos nitong lampasuhin ang The Masterpiece-Trinity University of Asia White Stallions,106-81 sa 2019 PBA D-League, Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Angat na sa 2-2 ang kartadang bitbit ng Tamaraws sa Foundation Group habang dulas naman sa 0-3 ang White Stallions sa parehong grupo.

Nanguna sa tropa si LJ Gonzales na pumoste ng 14 puntos at may sahog na limang rebounds at dalawang assists habang bumakas naman sa tropa ng si Hubert Cani ng 16 puntos at limang rebounds.

“Ang sinabi ko lang sa kanila before the game, we’re here to get better each and every game, it doesn’t matter if we’re on a losing streak, from a coach stand point kung nag-iimprove kami, okay lang sa akin,” wika ni Tamaraws coach Olsen Racela.

Ariba agad ang Tamaraws sa unang pitong minuto pa lang ng laban at nagawa na nitong maiposte ang kalamangan sa kanilang hanay, 21-12, sa 28 segundo ng first at tapusin ang first half, 42-36.

Pagpasok ng third ay masigasig naghabol ang White Stallions hanngang sa pinakaba nila ang Tamaraws na maibaba nila sa apat ang bentahe nito 60-56 sa 3:34 sa likod ng tres ni Levi dela Cruz.

Pero nanakaw agad ng Cha Dao ang momentum sa Trinity ng sunod-sunod na tira ang sinagot nito hanggang sa dominahin nito ang payoff period at tuluyan ng lubugin sa putik ang White Stallions.

“Before the game nga, we found out na kumuha ang Trinity ng mga MPBL players which we really welcome because ‘yun ang kailangan namin to play experienced players and that’s how we can improve and develop this team,” dagdag nito.

Pinangunahan naman ni Bobby Balucanag ang Trinity nang tumapos ito ng 31 puntos at anim na rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?